Sabado, Setyembre 21, 2013

Kahirapan pigilan, Pilipinas ibangon




 Problema sa'ting bansa'y di nauubos
Mga mamamayan nalulunod sa unos
Pilipino'y  makakatikim pa ba ng ginhawa?
Mga tagapamuno hindi ba kayo naaawa?

Ang kahirapan tila walang katapusan
Sapagkat mga dukha walang kalaban-laban
Ang mga kalye'y tila nagsilbing bahay
Sa pamilyang naghihikahos ang buhay

Mga kabataan wala ng bang kinabukasan?
Sa magulong mundong ating ginagalawan
Hanggang sa panaginip na lang ba natin matatamasa
Ang matagal na nating ninanais na pag-asa?

Tigilan at sugpuin na ang korapsyon
mag isip at magsimula na ng solusyon
Upang maralita'y mabawasan at umahon
Pilipinas panahon na para bumangon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento